Namimiss ko nang maging halimaw.
Iyan yung bigla kong naisip habang nagtitimpla ng kape nung nakaraang linggo. Nung nakaraang linggo pa yun, pero hanggang ngayon, di ko pa rin malimutan.
Sabi nila, minsan lang magsalita ang "soul" ng tao. Pakiramdam ko, espiritu ko yung narinig kong nagsasalita ng mga linyang iyon. Hanggang ngayon, nababagabag pa rin ako. Sa kabilang banda, iniisip kong hindi na maayos ang daloy ng mga ideya sa isip ko kaya kung anu-ano na lang ang sinasabi ko. Pero sa isang banda, alam ko sa sarili kong totoo ang sinasabi ng "soul" ko.
Napamessage nga ko sa isa kong malapit na kaibigan dati. Pero sa palitan namin ng mensahe, hindi ko nasabi ang gusto ko talagang sabihin, na "Namimiss ko nang maging halimaw." Hindi ko rin alam kung bakit. Basta parang may pumigil lang sa akin.
Pa-alon-alon pa rin sa karagatan ng isip ko ang linyang iyon.
Kailan kaya babalik ang pagkahalimaw ko?
-h
The Sound of Story
Monday, June 5, 2017
Wednesday, October 14, 2015
Today, I return
Today, I return to writing. I welcome myself back to my first love.
But this time, I am a new person. Months, and even years ago, I wrote on this as a woman uncertain of what to be and who to become. I am still uncertain of so many things now. Yet, this time, I just want to type the words I hear and feel on and on as if they were really meant to be read sometime by me or by someone I don't know.
I don't know how the words will ring in someone else's mind. But I have to let my fingers utter them, so I can rest my own hustling mind.
A new mother's brain, they say, tends to be forgetful and cluttered. And so? It is still a brain. And perhaps, something could be glimpsed from my end. It is not so easy to be a different person now. To be a mom, after having been on my own for 28 years is a magical, almost fantastical experience. I never thought that the real world could be this--- inexplicably incapable of being understood. How can the same body be different persons all at once?
Motherhood gives me a different persona. Yet I am still this.
And I still want to write.

Sunday, April 13, 2014
If Only
"If only I could turn back the hands of time, I would have been a wiser person."
Iyan ang sinabi ni Lola sakin nung minsang nagkwentuhan kami sa kwarto namin. Tinukoy niya ang pagiging sobrang bukas niya pagdating sa pera sa kanyang mga anak, dahilan kung bakit ngayon ay wala siya ni isang kusing sa kanyang bulsa.
Noong malakas pa ang Lola, napakasipag niyang mananahi. Bawat damit na dumadaan sa kanyang makina ay nagiging obra maestra niya. Kilala siya sa kanilang tailoring shop sa Miriam bilang 'Nang Gie.' Malapit siya sa kanilang mga supervisors dahil sa angking galing niya. Kasabay niyon syempre ay ang bilis ng pagpasok ng pera kay Lola.
Kung anong bilis kumita ni Lola, ay siyang bilis naman niyang gumastos. Bigay dito, bigay doon sa mga anak niyang babae na may mga sarili ng pamilya. Ayon sa kanya, mali daw pala iyon. Dapat nagtira rin siya sa kanyang sarili. Ngayon tuloy na matanda na siya ay wala man lang madukot ni singko tuwing nagkakasakit siya.
Bilang isang baguhan sa mundo ng mga manggagawa, tumatak sa isip ko ang mensaheng iyon ni Lola. Kailangang magtipid.
"Spend a little less than what you earn," dagdag pa ni Lola.
Inilapat ko ang leksyong iyon sa buhay ko. Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil kuripot ako pagdating sa sarili ko. Ayokong bumili ng mga bagay na di ikasusulit ng pera. Kung gagastos man ako, sisiguraduhin kong investment ang pupuntahan ng pera ko. Tulad ng pag-aaral ng mga kapatid ko. Kahit gusto kong bumili ng libro tuwing sweldo, pipigilan ko ang sarili ko. Iniisip ko palagi ang mga mas mahalagang bagay tulad ng kinabukasan.
Mahirap ang buhay sa ngayon. Lalo na siguro bukas kung magwawaldas ako ngayon. Kaya dapat magtipid at mag-ipon. Tama si Lola, dapat isipin ko rin ang bukas. Mali ang magpasanay sa mga tao na palagi kang mayroon dahil matututo silang umasa. Tulad ng ilan sa mga anak ng Lola, naghihikahos sila ngayong wala nang hanapbuhay ang kanilang ina. Nahihirapan silang magpatuloy.
Ang bawat tao sa ating buhay ay isang buhay na leksyon.
Marami nang naituro sa akin ang Lola.

Wednesday, June 6, 2012
I must go back to life
Go back to writing
Go back to reading
Go back to learning
Go back to walking
Go back to singing
Go back to me.
Go back to reading
Go back to learning
Go back to walking
Go back to singing
Go back to me.
Friday, May 25, 2012
Pagbabalik
Nagbabago na ang mundo ko, sa paraang, oo, gusto ko. Didiretsuhin ko na. Iba ang buhay may-relasyon. Ang dami kong napapatunayan. Ang dami kong nadidiskubre.
Totoo pala talaga ang roller-coaster ride. Minsan ang saya-saya. Minsan, nakakairita. Totoo palang parang drugs ang pag-ibig. Minsan nakaka-high, minsan nakakadepress.
RELAtibo pala ang lahat ng bagay sa isang relasyon, kaya siguro tinawag siyang RELAsyon una sa lahat. Nasa dalawang taong nasa relasyon kung paano nila iguguhit ang kanilang mundo. Walang pormula o anuman. Mananalig ka na lang sa Diyos na sana sapat ang pag-ibig ninyo sa isa't-isa para magpatuloy ang inyong pagpipinta.

Friday, April 13, 2012
Roller Coaster
Ang buhay-pag-ibig pala parang pagsakay sa roller coaster, nakakahilo. May taas-baba, may liku-liko. Gusto ko nang bumaba sa byahe, pero nakakadena ang mga paa ko. Mahigpit pala kung kumapit ang puso.
-h
-h
Subscribe to:
Posts (Atom)