Promise. Magsusulat na ako araw-araw. Ayoko na ng guilt feeling pag iniiwasan ko ang mga salita at kwento sa isip ko. Pakiramdam ko mga tao silang pinapatay ko kapag hindi ko naisusulat. Minumulto nila ako tuwing gabi. Kinakatok nila ang takip ng bintana namin sa kwarto. Palakad-lakad sila tuwing alas-tres ng umaga, naghahanap ng katahimikan sa gilid ng kama namin. Kasalanan ko ang kanilang kamatayan. Sinakal ko sila noong kumain ako kaysa magsulat.
Promise. Isusulat ko na ang kwento ng journalist na... Ay! Nakalimutan ko na. Ayan na nga ba ang sinasabi ko, nakakalimutan ko na kung ano ang kwento ng mga napatay ko. Kung bakit sila nabuhay at kung bakit ko sila nasakal. Pero may mga ilan pa akong naaalala. Tulad ng kwento ng mga kaluluwang nagpapaligsahan sa Loyola Memorial Parks, undas, paramihan sila ng bisita. May special award ang may programa pang inihanda ang mga dalaw. May isang kaluluwang wala na ngang puntod, wala pang dalaw.
Aalalahanin ko ang mga kwentong naisulat ko. Nailibing ko na sila nang buhay pero titiyakin ko kung naputol na ngang talaga ang kanilang paghinga. Katulad ng kwento ng isang batang nagsunog ng mga gamit ng kapatid niya dahil iyon ang paborito ng tatay niya.
Ang dami kong kasalanan sa pagsusulat. Kinuntyaba ko ang tula para pagtakpan ang sigaw ng konsyensya kong bumuhay ng nobela. Oo, isang nobelang di pa nababasa saanman!
Bibigyang buhay kong muli ang mga kwento, ang mga salita. Promise. Promise.

No comments:
Post a Comment