Pasko na naman. O kay tulin ng araw.
Gusto ko ang Paskong Pinoy. Noong bata pa ko, palagi kong inaaabangan ang pagsapit nito. Excited akong matulog nang maaga para sa simbang gabi kahit na paidlip-idlip ako sa simbahan. Paborito ko ang lakaran pauwi, sinasabayan ng malamig na simoy ng hangin ang bawat hakbang naming magkakapamilya pabalik sa bahay. Tapos kakain kami ng lugaw o kaya e sopas na tinda ng kapitbahay namin. Susundan namin ito ng tulog. Paggising e magkukuwentuhan kami ng mga nakakatawang karanasan ng nakalipas na simbang gabi. Puno man ng pagka-abala sa paghahanda ng mga regalo, may panahon pa rin para umupo kasama ang buong pamilya sa sala para makipagkuwentuhan. Bago matulog, ihehele ako ng mga letra ng mga libro.
Gusto ko ang karoling. Noong bata pa ko, palagi rin akong nangbubulabog ng mga kapitbahay namin, kumakanta ako nang malakas, habang hinihintay ang kalansing ng barya mula sa bulsa ng mga kapitbahay namin. Ngayon, nakakatuwa pa ring marinig ang paulit-ulit at iba-ibang bersyon ng Ang Pasko ay Sumapit, inawit ayon sa pakakarinig ng mga makukulit.
Gusto ko ang noche buena. May handa o wala, masaya ang pamilya. Sinisimulan ito palagi sa pagsisimba at pagdarasal. At tinatapos sa mainit na pagbati ng Maligayang Pasko.
Gusto ko ang ideya na ang Pasko ay para sa pagmamahal at pagbibigayan. Maraming mga gustong mag-abot ng biyaya. Anumang regalo ay nakakapagpasaya. Higit sa lahat ang presensya. Sana araw-araw ay maging Pasko lagi.

No comments:
Post a Comment