Monday, January 25, 2010

Walang pumapasok sa isip ko ngayon

Kaya magsusulat na lang ulit ako.

Nabigla yata ako sa dami ng kailangang gawin ngayong taon. Punung-puno na naman ako ng pag-asa at mga plano. Binubudburan ko na naman ng gantt charts ang buhay. Plano sa ministry, plano sa trabaho, plano sa graduate school. Plan A, B, C. Sana wag naman akong sumemplang ngayong taon. Inaamin kong palpak ang 2009. Pero sana akin na ang taong ito. Hindi pala sana, akin na. Akin ang taong ito.

Sa ngayon.

Momentum ang tawag dito. Punong-puno ako ng laman na kailangang isabog sa bawat araw dahil kung hindi lagot ako sa nanay ko, sa tatay ko, sa lola ko, sa boss ko, sa mga magiging prof ko, sa parish priest namin. Pero gayunpaman, matapos ang lahat, pumalpak man ako ulit o lumipad sa alapaap, ipinapangako ko sa sarili kong mamahalin ko pa rin siya.

Sabi nga nila, human beings tayo, di human doings. Kailangang isaksak ko yan sa isip ko ngayon pa lang para kung sakali e walang bitteran.

Life is good. Life will still be life kahit mamatay ako. Kaya kailangan kong bigyang hustisya ang buhay sa pamamagitan ng mga pang-araw-araw kong ginagawa. Ang lakas nga ng loob kong magsulat ngayon. I-ni-link ko pa sa Facebook ang blog ko para mabasa ng lahat. Wag lang sana niyang mabasa yung mga post na may kinalaman sa kanya, kung sakali wag sana siyang mag-assume dahil as usual, idedeny ko. Salamat kay Jas sa pagsasabing, "Live in the now."

---

Napakinggan ko yung interview ni Jo Taruc kay GMA kahapon tungkol sa mga nagawa ng huli sa Pilipinas bago ito tuluyang (sanang) bumaba ng pwesto. Marami rin naman talaga siyang nagawa, may sense din naman ang economic impact niya sa bansa. Buti may boses pa siyang inihaharap sa mundo pagkatapos ng lahat. Kapag naaalala ko kasi ang boses niya, isa lang ang tunog na umaalingawngaw sa isip ko: "I am sorry."

---

Babalik na ko sa realidad kung saan naghihintay sakin ang mga mahal kong gantt charts.

No comments:

Post a Comment