Ang linggong ito ay walang tulugan. Gusto ko nang tumakbo papunta sa kama at maglakbay papuntang mundo ng mga panaginip! Pero pilit kong hinihila ang sarili ko sa direksyon ng realidad. Papers, projects, trabaho, eskwela, church activities, librong di matapos-tapos... at di masimu-simulang mga bagay. Naiipit na yata ako sa mabilis na gulong ng buhay. Pero masaya naman ang pakiramdam. Kailangan ko lang sigurong magdahan-dahan. E kung dahan-dahan kaya akong umuwi at matulog? :(
---
Namiss ko na ang matinong pagsusulat. Palagi ko na lang sinasabing namimiss ko na ang pagsusulat nitong mga nakalipas na, oo, taon. Magtatatlong taon na kong di nagsusulat nang matino. Namimiss ko na ang mga araw kung kailan parang kasing normal lang ng paghinga ang pagsusulat ng kung anu-ano para sa akin.
Ngayon, ang pagsusulat ay parang pagpipilit na magpatalbog ng mga bato-- matunog pero walang ritmo. Hinahanap ko ngayon ang dating ugnayan namin ng sinulat na salita. Ang tanong, mahanap ko pa kaya?
No comments:
Post a Comment