Love moves in mysterious ways. Yan ang LSS ko ngayon. Inspired? Pwede. In-love? Hindi. Matagal-tagal ko nang kinalumutan ang pakiramdam na yun. Kailangan, sa tingin ko.
Katulad ng pagsiksik ng libro sa book shelf, isiniksik ko na namang muli ang puso ko sa shelf. Until I fall in love again, sabi nga ni David Pomeranz sa isang kanta niya.
Ganun pa man, naniniwala pa rin ako sa magandang kwento ng pag-ibig. Hindi ako bitter dahil ayokong maging ganun. Napakagandang karanasan ng umibig para lang maging cynical ako. Sa tingin ko, kung napapait ng pag-ibig ang isang tao, hindi iyon tunay na pag-ibig. Dahil ang tunay na pag-ibig, nakakapagpabuti sa tao, happy ending man o hindi.
Ano ba tong sinasabi ko?
Kasalanan ito ni David Pomeranz ulit. Ang totoo kinanta ko na naman ang My Favorite Story kanina. Akala ko kasi wala nang epekto ang mga linya. Meron pa rin pala. Nakakatawa pero totoo nga yatang siya ang favorite story ko. I should have known all along when I looked in his eyes.
Siya ang favorite story ko na palagi kong babalik-balikan.
Kasi love moves in mysterious ways.
No comments:
Post a Comment