Wednesday, March 31, 2010

Ang pagpili ng kandidato ay parang pag-ibig.

Nakarelate ako sa palabas na Last Prince ng GMA nung isang araw. Ikakasal na yung babae nang dumating yung lalaking hinintay niya noon. Nakiusap yung lalaking huwag nang magpakasal sa iba yung babae dahil silang dalawa raw ang para sa isa't-isa. Sumagot si babae: "Kung totoong tayo nga ang para sa isa't-isa, sana bumalik ka na noon pa." Eksakto. 

Hindi man ako tiyak sa nangyayari sa labas ng "ako" at ang "akin", sigurado ko naman ngayon sa sarili kong alam ko na ang gagawin ko. Dapat noon ko pa ginawa, pero ngayon lang nagkasense lahat. Pero di pa naman huli. Paalam.


-------

Kung bakit wala pa kong napipiling kandidato sa pagka-bise presidente ay pareho ng kung bakit wala akong magustuhang sensible crush. Pare-pareho kasi sila ng sinasabi, na sila ang palaging maaasahan at kung anu-ano pa. Habang nakasakay sa jeep kagabi, naisip kong di na ako maniniwala sa pinakamatamis na mga salita. Minsan na ring may nangako sa akin pero sa isang iglap lang, binawi niyang lahat iyon. Naniwala ako sa kanya noon. Pero nung malaman kong pareho rin ang sinabi niya sa iba, nawala ang lahat ng pagtitiwala. Ang lahat-lahat. Totoo pala yun. Walang saysay ang mga salita. 

Malapit na kong di maniwala sa fairy tales. 

Pero naniniwala ako sa holiness. Meron talagang isang taong banal ang intensyon sa iyo. Kahit ano pang mangyari. Natagpuan ko na ang iboboto kong congressman pero ang taong banal na mag-iiba ng tingin ko sa namamatay na fairy tales, di pa yata nagigising.

Nakita ko na rin ang iboboto kong Mayor at Vice Mayor. 

Pero ikaw, di pa rin. Baka naman pagdating mo, heto na ang linya ko: "Kung totoong tayo ang para sa isa't-isa, sana dumating ka na noon pa."





2 comments:

  1. at sino naman ang ibobot ong puso mo mo ha?

    haha

    at at tungkol sa babaeng ikakasal na binalikan ng ex jowa (i assume): eh malay mo naman may raosn si koya diba? diba?
    haha

    ReplyDelete
  2. Haha. May nangangampanya na yata? :) Bahala na kung matuloy sa filing of candidacy. Mukhang kwalipikado naman. ;)

    Hmm. At tungkol sa babaeng ikakasal na binalikan ng ex jowa: kung ako lang e, ayoko na ng mga dahilan.

    Hugs! Mag-iingat sa pagboto. ;)

    ReplyDelete