Friday, May 25, 2012

Pagbabalik

Nagbabago na ang mundo ko, sa paraang, oo, gusto ko. Didiretsuhin ko na. Iba ang buhay may-relasyon. Ang dami kong napapatunayan. Ang dami kong nadidiskubre.

Totoo pala talaga ang roller-coaster ride.  Minsan ang saya-saya. Minsan, nakakairita. Totoo palang parang drugs ang pag-ibig. Minsan nakaka-high, minsan nakakadepress.

RELAtibo pala ang lahat ng bagay sa isang relasyon, kaya siguro tinawag siyang RELAsyon una sa lahat. Nasa dalawang taong nasa relasyon kung paano nila iguguhit ang kanilang mundo. Walang pormula o anuman. Mananalig ka na lang sa Diyos na sana sapat ang pag-ibig ninyo sa isa't-isa para magpatuloy ang inyong pagpipinta.

-h