Monday, September 28, 2009

Ondoy: Isang laksang pagkabahala at pagmumuni

  • Nitong nakalipas na katapusan ng linggo, dumagsa ang tubig-baha sa bahagi ng Central, Northern at Southern Luzon. Sa loob lamang ng anim na oras, isinaboy ni Ondoy ang ulang normal na nakukuha ng Pilipinas sa loob ng isang buwan. Walang tigil ang buhos ng ulang nagtapos sa buhay ng halos 75 katao at nanira sa maraming kabuhayan. Sa 23 taong paninirahan ko sa Lungsod Quezon, ngayon ko lang nakita ang pananalasa ng isang bagyo na umabot mismo sa aming barangay. Ayon sa isa kong kaibigan, 5 bahay ang tinangay ng malakas na agos dala ng pag-apaw ng sapa sa Balara Filitration. Ang mga nawalan ng bahay ay dinala sa aming kapilya. Hanggang kaninang umaga ay naroon pa rin ang mga nasalanta.
  • Pumunta kami ng kapatid ko sa Marikina kahapon. Sa unang pagkakataon, nasaksihan ko kung paanong binaybay ng kasawian ang mga kalsada ng Shoe Capital at pinakamalinis na lungsod ng Metro Manila-- ang Marikina. Ilang matitinding larawan ang kumintal sa isip ko habang nakasakay sa jeepney at nakatanghod sa bintana nito. Una, isang batang may kalahating dangkal na tumor sa ilong ang nakaupo sa hagdan ng isang puting bahay sa gilid ng kalsada kasama ang kanyang pamilyang bitbit ang iilang pirasong plastic na naglalaman ng mga kaunting damit. Pangalawa: Isang babaeng umiiyak kasama ang kanyang pamilyang may bitbit ng maletang brown. Pangatlo: Isang pamilyang mukhang mayaman (base sa kinis ng balat) ang naghihintay sa ilalim ng shed papunta sa Riverbanks Mall, putikan, mukhang nag-aalala habang may bitbit na mga maleta. Habang pauwi kami, napapatingin ako sa putikang sahig ng jeep. Iyon ang unang beses na nakakita ako ng putikang sahig ng pangunahing moda ng transportasyon sa bansa.
  • Sa lahat ng imahe, pipiliin kong bitbitin ang imahe ng daan-daang Pinoy sa telebisyon man o sa lugar na madalas kong pinupuntahan. Mga Pinoy na piniling tumugon sa tawag ng pangangailangang magsilbi sa mga biktima ng bagyo. Hindi ko na maalala kung ilang beses ko itong nasambit: PROUD AKO SA PAGIGING PINOY. Oo, sa kabila ng lahat.

Wednesday, September 16, 2009

Where are you?



Me?
I'm scared of everything. I'm scared of what I saw.
I'm scared of what I did, who I am.

I'm scared of walking out of this room
and never feeling for the rest of my whole life,
the
way I feel when I'm with you.

- Dirty Dancing

Monday, September 14, 2009

Ano'ng gusto mo?

Marunong din naman akong sumuko.
Kahit na gustung-gusto ko pang sahurin ang mga ngiti mo
Sabay ibulsa sila isa-isa.
Kaya kong limutin ang nasa kong
punasan ang bawat patak ng luha mo
habang sabay-sabay silang nahuhulog.
Kung hindi mo naman kailangan
Pwede ko pa naman itapon ang naipon kong
pag-aalala sa'yo.
Kaya kong isuko ang lahat ng pangako.
Kung gusto mo.
Kahit naman ano, kaya kong ibigay sayo
Sumaya ka lang.

Sunday, September 6, 2009

Sino ang Manunulat? (Unang Salimsim)

Ang pagsusulat ay isang biyaya. Isa itong makapangyarihang paraan ng pagbabahagi. Noong ako'y bata pa hanggang ngayon man, palagi kong hinahangaan ang sinumang matagumpay na nakakapagpaabot ng kanyang isipan at saloobin sa pamamagitan ng sinulat na salita. Pangarap ko ang magsulat. Gawain ko ang magsulat. Tuntunin ko ang makapagbahagi ng aking sarili at ng mundong aking ginagalawan sa pamamagitan ng papel at panulat.

Bilang taong mahilig magsulat (hindi ko pa kayang sabihing ako ay isang ganap nang manunulat kung kaya't maiging ang naunang pahayag ang gamitin bilang panlarawan sa akin), isang hiwaga ang bawat pagsasanib ng mga titik. Isang ganap na uri ng pag-iisip ang pagsusulat at ito'y matagumpay na naisasagawa lamang ng isang taong bukas sa biyaya. Nangangahulugan itong kahit sino'y maaaring maging manunulat kung bukas ang kanyang isipan at nakahanda siyang humawak ng responsibilidad na kaakibat ng tungkulin ng pagsusulat.

Wednesday, September 2, 2009

Mar-red chance

He backed out.
Said it's for the country.
Said it's for the people.
Threw away his chance.
So the other could shine.
To throw in his own time.
To change.
To make a change.
Skeptics ponder,
Wait for the turn of events.
Does not everyone deserve
the benefit of the doubt?
Who knows what?
Who knows why?
The days are long
Yet time is short
In time we'll know
The man behind the lectern.