"If only I could turn back the hands of time, I would have been a wiser person."
Iyan ang sinabi ni Lola sakin nung minsang nagkwentuhan kami sa kwarto namin. Tinukoy niya ang pagiging sobrang bukas niya pagdating sa pera sa kanyang mga anak, dahilan kung bakit ngayon ay wala siya ni isang kusing sa kanyang bulsa.
Noong malakas pa ang Lola, napakasipag niyang mananahi. Bawat damit na dumadaan sa kanyang makina ay nagiging obra maestra niya. Kilala siya sa kanilang tailoring shop sa Miriam bilang 'Nang Gie.' Malapit siya sa kanilang mga supervisors dahil sa angking galing niya. Kasabay niyon syempre ay ang bilis ng pagpasok ng pera kay Lola.
Kung anong bilis kumita ni Lola, ay siyang bilis naman niyang gumastos. Bigay dito, bigay doon sa mga anak niyang babae na may mga sarili ng pamilya. Ayon sa kanya, mali daw pala iyon. Dapat nagtira rin siya sa kanyang sarili. Ngayon tuloy na matanda na siya ay wala man lang madukot ni singko tuwing nagkakasakit siya.
Bilang isang baguhan sa mundo ng mga manggagawa, tumatak sa isip ko ang mensaheng iyon ni Lola. Kailangang magtipid.
"Spend a little less than what you earn," dagdag pa ni Lola.
Inilapat ko ang leksyong iyon sa buhay ko. Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil kuripot ako pagdating sa sarili ko. Ayokong bumili ng mga bagay na di ikasusulit ng pera. Kung gagastos man ako, sisiguraduhin kong investment ang pupuntahan ng pera ko. Tulad ng pag-aaral ng mga kapatid ko. Kahit gusto kong bumili ng libro tuwing sweldo, pipigilan ko ang sarili ko. Iniisip ko palagi ang mga mas mahalagang bagay tulad ng kinabukasan.
Mahirap ang buhay sa ngayon. Lalo na siguro bukas kung magwawaldas ako ngayon. Kaya dapat magtipid at mag-ipon. Tama si Lola, dapat isipin ko rin ang bukas. Mali ang magpasanay sa mga tao na palagi kang mayroon dahil matututo silang umasa. Tulad ng ilan sa mga anak ng Lola, naghihikahos sila ngayong wala nang hanapbuhay ang kanilang ina. Nahihirapan silang magpatuloy.
Ang bawat tao sa ating buhay ay isang buhay na leksyon.
Marami nang naituro sa akin ang Lola.
Sunday, April 13, 2014
Wednesday, June 6, 2012
I must go back to life
Go back to writing
Go back to reading
Go back to learning
Go back to walking
Go back to singing
Go back to me.
Go back to reading
Go back to learning
Go back to walking
Go back to singing
Go back to me.
Friday, May 25, 2012
Pagbabalik
Nagbabago na ang mundo ko, sa paraang, oo, gusto ko. Didiretsuhin ko na. Iba ang buhay may-relasyon. Ang dami kong napapatunayan. Ang dami kong nadidiskubre.
Totoo pala talaga ang roller-coaster ride. Minsan ang saya-saya. Minsan, nakakairita. Totoo palang parang drugs ang pag-ibig. Minsan nakaka-high, minsan nakakadepress.
RELAtibo pala ang lahat ng bagay sa isang relasyon, kaya siguro tinawag siyang RELAsyon una sa lahat. Nasa dalawang taong nasa relasyon kung paano nila iguguhit ang kanilang mundo. Walang pormula o anuman. Mananalig ka na lang sa Diyos na sana sapat ang pag-ibig ninyo sa isa't-isa para magpatuloy ang inyong pagpipinta.
-h
Totoo pala talaga ang roller-coaster ride. Minsan ang saya-saya. Minsan, nakakairita. Totoo palang parang drugs ang pag-ibig. Minsan nakaka-high, minsan nakakadepress.
RELAtibo pala ang lahat ng bagay sa isang relasyon, kaya siguro tinawag siyang RELAsyon una sa lahat. Nasa dalawang taong nasa relasyon kung paano nila iguguhit ang kanilang mundo. Walang pormula o anuman. Mananalig ka na lang sa Diyos na sana sapat ang pag-ibig ninyo sa isa't-isa para magpatuloy ang inyong pagpipinta.
-h
Friday, April 13, 2012
Roller Coaster
Ang buhay-pag-ibig pala parang pagsakay sa roller coaster, nakakahilo. May taas-baba, may liku-liko. Gusto ko nang bumaba sa byahe, pero nakakadena ang mga paa ko. Mahigpit pala kung kumapit ang puso.
-h
-h
Saturday, March 31, 2012
Ingay
Kurot.
Paglawig ng linya palayo.
Paglapit muli.
Hampas sa batok
Distansyang lumiliit sa bawat kislot.
Hawak.
Mas masarap kang katabi.
Kahit na kalahati ng panahon nag-aaway lang tayo.
Mas gusto ko pa rin ang ingay na gawa ng mga pag-aasaran natin
Kaysa ang katahimikang dala ng pagwawalang-bahala
Hindi ko man sabihin
alam kong alam mong
natatahimik ang puso ko
sa ingay nating dalawa.
-h
Paglawig ng linya palayo.
Paglapit muli.
Hampas sa batok
Distansyang lumiliit sa bawat kislot.
Hawak.
Mas masarap kang katabi.
Kahit na kalahati ng panahon nag-aaway lang tayo.
Mas gusto ko pa rin ang ingay na gawa ng mga pag-aasaran natin
Kaysa ang katahimikang dala ng pagwawalang-bahala
Hindi ko man sabihin
alam kong alam mong
natatahimik ang puso ko
sa ingay nating dalawa.
-h
Wednesday, March 28, 2012
Fall in love, and stay in love
Nothing is more practical than
finding God, than
falling in Love
in a quite absolute, final way.
What you are in love with,
what seizes your imagination, will affect everything.
It will decide
what will get you out of bed in the morning,
what you do with your evenings,
how you spend your weekends,
what you read, whom you know,
what breaks your heart,
and what amazes you with joy and gratitude.
Fall in Love, stay in love,
and it will decide everything.
-Fr. Pedro Arrupe, SJ
Subscribe to:
Posts (Atom)