Ang nakalipas na gabi ay gabi ng mga tanong. Binisita na naman ako ng mga di ko gustong bisita-- mga tanong na nangungulit, naghahanap ng sagot para sa kanilang kapayapaan. Sino ka na nga ulit? Ano'ng ginagawa mo ngayon? Bukas, ano'ng gagawin mo? Sigurado kang iyan ang gusto mong gawin? Sigurado kang iyan ang dapat mong gawin? At marami pang ibang makukulit na tanong.
Saan kaya sila nagpupunta kapag hindi ko sila nakikita? Natutulog din kaya sila?
Hindi kasi nila ako pinapatulog at biglaan din sila kung dumating. Walang pasabi. Hindi tuloy ako makapaghanda ng sagot. Kahit ang mga first-hand sources ko, hindi nila alam kung paano ako sasagutin, kasi sila man, ay may sariling mga tanong na kailangang sagutin.
Sinusubukan kong kumonsulta sa mga aklat paminsan-minsan pero puro suhestyon lang ang binibigay nila. Minsan, lalo pa nila akong nililito. Hindi ko na rin sila tinatapos basahin dahil pakiramdam ko pare-pareho sila ng sinasabi-- depende sa akin ang sagot. Binabalik rin nila sa akin ang responsibilidad.
Malaki ang eyebags ko ngayon kasi puyat ako. Natulog ako nang halos hatinggabi na kasi nakipagkuwentuhan ako sa mga kapatid ko, muli, para iwasan ang mga tanong. Palagay ko kapag nakita nilang busy ako, hindi na nila ko iistorbohin.
Kahit anong klase na lang ng pagka-busy, kahit busy-busy-han, pinapatulan ko, para lang maiwasan ang mga tanong.
Pero may mga gabi na natatalo nila ako. At siguro sa mga oras na ito, ngumingiti sila sa isiping sila pa rin ang nasa isip ko.
Parang sila ang kumakanta sa akin ngayon ng musikang ito...
No comments:
Post a Comment