Wednesday, March 30, 2011

Namimiss ko na ang hardcore na paglikha

Ibig kong sabihin, ang pagsusulat, namimiss ko na. Yung pagsusulat para magpahayag ng katotohan.Noong kolehiyo ako, journalism ang kurso ko. Gusto ko ang pagsusulat at ang mismong propesyon ng pagbabalita. Hindi nga lang iyon ang pinasok kong propesyon dahil sa academe ako tumuloy. May kinalaman man sa komunikasyon ang trabaho ko, alam kong malaking bahagi ng inaral ko nung college ang hindi ko na nagagamit sa trabaho. Sinusubukan kong punuan ang kahungkagan sa pamamagitan ng pagba-blog, ng pagsusulat at pag-eedit sa aming parish newsletter, ng pagsusulat at pag-eedit ng mga letters sa opisina, pero alam kong lahat ng ito, hindi kayang tumbasan ang bigat ng pagsusulat para sa pamamahayag na dala-dala ko. 

------

Ang lahat ng bagay may kapalit. Dahil gusto kong palawakin pa ang kaalaman ko sa akademya, nag-aaral pa ko ngayon. Kaya nga hindi ko pa mabitiwan ang comforts ng academe. Sa pag-aaral ko, inaasahan kong mas magiging mahusay ako sa field ng communication. Pero hindi maiiwasang magtanong ako, ano kaya'ng meron sa labas ng bakuran na ginagalawan ko? Ano kayang meron sa baba ng burol?

Gusto ko nang bumaba mula sa burol pero alam kong hilaw pa ang oras. 

----
Hindi daw nagloload ang site ko sa laptop ng isa kong kaibigan. Literal :( . 

1 comment: