Wednesday, March 31, 2010

The road not taken

A young woman on a journey once said, "I want to walk the road I did not choose." To this the road she took replied, "All roads lead to one end-- your destiny."


Sacred Heart Novitiate, July 2009

Ang pagpili ng kandidato ay parang pag-ibig.

Nakarelate ako sa palabas na Last Prince ng GMA nung isang araw. Ikakasal na yung babae nang dumating yung lalaking hinintay niya noon. Nakiusap yung lalaking huwag nang magpakasal sa iba yung babae dahil silang dalawa raw ang para sa isa't-isa. Sumagot si babae: "Kung totoong tayo nga ang para sa isa't-isa, sana bumalik ka na noon pa." Eksakto. 

Hindi man ako tiyak sa nangyayari sa labas ng "ako" at ang "akin", sigurado ko naman ngayon sa sarili kong alam ko na ang gagawin ko. Dapat noon ko pa ginawa, pero ngayon lang nagkasense lahat. Pero di pa naman huli. Paalam.


-------

Kung bakit wala pa kong napipiling kandidato sa pagka-bise presidente ay pareho ng kung bakit wala akong magustuhang sensible crush. Pare-pareho kasi sila ng sinasabi, na sila ang palaging maaasahan at kung anu-ano pa. Habang nakasakay sa jeep kagabi, naisip kong di na ako maniniwala sa pinakamatamis na mga salita. Minsan na ring may nangako sa akin pero sa isang iglap lang, binawi niyang lahat iyon. Naniwala ako sa kanya noon. Pero nung malaman kong pareho rin ang sinabi niya sa iba, nawala ang lahat ng pagtitiwala. Ang lahat-lahat. Totoo pala yun. Walang saysay ang mga salita. 

Malapit na kong di maniwala sa fairy tales. 

Pero naniniwala ako sa holiness. Meron talagang isang taong banal ang intensyon sa iyo. Kahit ano pang mangyari. Natagpuan ko na ang iboboto kong congressman pero ang taong banal na mag-iiba ng tingin ko sa namamatay na fairy tales, di pa yata nagigising.

Nakita ko na rin ang iboboto kong Mayor at Vice Mayor. 

Pero ikaw, di pa rin. Baka naman pagdating mo, heto na ang linya ko: "Kung totoong tayo ang para sa isa't-isa, sana dumating ka na noon pa."





Thursday, March 25, 2010

If it hurts, act like it doesn't





Finally, she likes to write. Encourage her.
You're dead if you don't.

Wednesday, March 24, 2010

Boto-boto

Nagkaroon ng mock elections sa UP. Ayon sa resulta, si Villar ang iboboto ng karamihan ng mga taga-UP kung sakaling ngayon na ang eleksyon. Oo, nga't may sariling opinyon ang mga kaeskwela ko. Gayundin naman ako. Napataas ang kilay ko sa balita. Ang problema ay ang mismong resulta. Ano na ang nangyari sa political consciousness ng sinasabing mga cream of the crop? Kung ang kandidato ng cream of the crop ay yung maykayang magpalast-song syndrome sa mga botante, mukhang may problema tayo niyan.

Hindi kasi iyon ang itinuturo ng UP. Sa pagkakaalam ko, lalo na sa kolehiyong pinanggalingan ko, pumipili ng kandidato ang mga taga-UP batay sa kapasidad nitong magdala ng pagbabago at pagtatama sa mga baluktot. Hindi sa kakayahang magbaluktot halimbawa ng kalsada para maiba ang daan. Sa mga palihan sa klase, ayaw ng mga isko at iska ng korapsyon. Maliban na lang kung totoo ang kasabihang iba ang teorya sa praktikal.

Wala nang mahigop na magandang balita pagdating sa eleksyon nitong mga nakalipas na araw. Parang nilagang buto-buto, puro sabaw, walang laman.

Kanina habang nakasakay ako sa tricycle palabas ng lugar namin, nakakita ako ng dilaw na laso. Para sa karamihan ng mga Pilipino, ang ibig sabihin niyon ay kalayaan at katapangan ng mga Pilipino. Ibig sabihin daw niyon ay pagiging malaya ng bayan. Iisa tayo at ang bayang iyan. Tayo ang nakulong sa sarili nating pag-iisip, tayo ang naapi ng sarili nating sistema. 

Ayokong pakain sa sistema. Hangga't maaari, ayokong palamon sa alon.

Sunday, March 21, 2010

Ngayong gabi, nakilala ko si Kit

Mahiwaga raw ang bawat bagong pagkilala. Ngayong gabi, muli kong natuklasan ang katotohanang iyon. Nakilala ko si Kit. Isa siyang bulag na nagtitinda ng gulay sa umaga at balot sa gabi sa mga kalye ng lugar namin. Sa unang mga salitang sinabi niya ay napansin ko na ang pagka-matalino't bibo niya. Nalaman ko mula sa maikling pag-uusap namin sa gilid ng bahay ng kaibigan ko kung saan siya tumutuloy na galing pala siyang Bicol. Meron siyang 6 na kapatid na naiwan doon. Gusto niya silang kunin kung kaya't nagpupursige siya sa pagtatrabaho. Malapit si Kit sa simbahan. Aktibo siya sa mga samahan lalo na sa pagkanta at pag-aaral ng bibliya. Sa totoo lang, wala pa akong nakitang bulag na kasing-tingkad ng pagkatao niya. Simple at totoo. Mas totoo pa sa mga taong may paningin. Walang pigil niyang kinuwento ang mga pananaw niya sa buhay. Dalawa sa mga ito ay:

1. Kung may pera, wag nang magpatumpik-tumpik. Iinvest agad ito para lumago dahil mabilis mawala ang perang nasa kamay.
2. Huwag magdalawang-isip sa planong makabubuti sa iyo.

Higit sa lahat, nakita niya ang di nakikita ng ibang tao sa akin. Hinulaan niya ako. Ang sabi niya: Ituloy mo ang planong makabubuti sa iyo. Huwag mong ituloy kung di mo pinag-isipan. Huwag mong iiwan ang mga obligasyon mo dahil iyan ang makakapagpasaya sayo.

Eksakto. Ilang oras bago ko siya makausap, nag-mumuni-muni ako. Iiwan ko na ba ang ngayon? Malinaw ang sagot-- hindi pa oras. Simple lang, dahil masaya pa ako dito. Masaya pa ko dito dahil alam kong dito ako tinawag-- para maglingkod sa abot ng aking makakaya bilang bagong salta sa tunay na mundo. Dito, kung saan maraming paraan para lumago, maraming posibilidad para sumaya. Dito, malaya akong pumili ng mga gusto kong gawin na ayon sa tawag ng puso. Hindi kasing exciting marahil ng pag-akyat ng bundok o pagsisid sa pusod ng dagat, pero sing simple ng pagpasok sa buhay ng mga tao sa paligid ko para maging bahagi ng kanilang ngiti. 

Gusto ko uli siyang makasalamuha. Marami siyang maaaring ituro sa akin.

Happiness's pursuit of me


Hey, happiness keeps pursuing me. 

Thursday, March 18, 2010

Kung bakit iba ang bintana ng aking silid

Ako ang dinudungaw 
ng mga dahon ng papaya
na pumapasok 
sa mga siwang 
ng bisagra.