Thursday, July 16, 2009

Sa Wakas

Matutulog rin akong walang
dalang bigat sa puso.

Gigising akong nakangiti
sa pagbukas ng araw.

Bababa sa hagdan
nang lumulundag-lundag.

Kakanta habang naliligo sa banyo.
Sisipul-sipol habang nagbibihis.

Tsaka lalabas ng bahay
para salubungin ka.

Balang araw.


-h

No comments:

Post a Comment