Monday, October 19, 2009

Musika

May kapangyarihan ang awit magbigay-saysay
Sa bawat bagay na dala ng buhay.
Malaking ginhawa ang kayang idantay
Sa nahahapong isip, kahit walang malay.

Hindi ba't ang awit ang nagbibigay himig
Sa bawat bibig na nawawalan ng tinig?
Hindi ba't saliw ng tugtog ng pag-ibig
ang pumapawi sa matang daluyan ng tubig?

Sa musika maaaring isabay
ang tuwa't saya, sakit at lumbay.
Sa musika maaaring ikampay
ang mga pakpak na nangangalupaypay.

Musika ang ibig marinig
kapag maingay ang paligid
o kahit pa tahimik.
Dahil ang musika ay pag-ibig.

Monday, October 12, 2009

<

There is something greater than

This pain.

Yes, something weighs more than all the piercings

in my heart right now. I lament before the world

for seeing my childhood dream die

right inside me

but I know and I feel that something is greater than

This death.

What is the purpose of this death?

I wouldn’t know until this

ends.

All I need to know is after this dying is resurrection

in any way it is fated to live again.

I believe that indeed, something is greater than

Goodbye.

For in every parting is a new beginning.

For every road that ends, a new road awaits.

I believe I can still tread the more uncertain path.

I have enough life to give for this something greater than

All the happiness and pain put together.



From Luke 11:29-32

There is something greater than.

Saturday, October 3, 2009

Putik

Sinisimulan ko nang magligpit.
Ma
la
l
i
m

ang bahang sumalakay
sa
loob ng bahay.

Rumaragasa

ngunit
da-han-da--han
ang paggapang paitaas,
paitaas. At

bumaba.

Putik

ang naiwan.

Kailangan
ko nang magligpit.


-h