Ang pag-asa
ay patuloy na pagtatagni ng mga napunit na tela ng damit
na mahabang nakatiwangwang sa araw at ulan
Ang pag-asa
ay pagtatahi ng mga piraso ng tela ng damit
na di panalampas ng matalim na ngipin ni Tagpi
Ang pag-asa
ay pagkukumpuni ng tela ng damit
na pinagdugtong ng sinulid ngunit
pinunit ng paulit-ulit na paggupit.
Ang pag-asa
ay pagtatahi-tahi, pagtagpi-tagpi, at pagtupi-tupi
ng mga dulo ng damit
na di na magdikit.