Wednesday, November 24, 2010

Alaala

Mahilig akong magtago ng mga alaala. Ticket ng bus, resibo ng fastfood o restaurant, pahina ng kwaderno, mga sulat. Mga isang kahon ang meron ako sa bahay. Iyong iba, napipilitan na kong itapon nang may panghihinayang, kasi nagbubukbok na. Kagabi naalala kong may mga alaala pa ko sa'yo. Hindi ko na kukunin mula sa iyo. Alam ko namang aalagaan mo ang mga iyon.

Hanggang sa muling pagkikita.

No comments:

Post a Comment