Thursday, June 30, 2011

Dati pinagmamasdan ko lang ang paghalik ng tubig sa lupa
Pumipitik-pitik sa tenga ko ang lagatik ng
sabay-sabay na pag-indak ng mga mumunting butil
Nakakainggit ang tubig na sumasayaw-sayaw.

Sabi ng nanay, bawal ang magbasa sa ulan.
Hindi na malinis ang tubig ng langit
dala ng polusyon.

Hangin kang nagtulak sa aking lumabas
Tinuruan mo kong umawit sa gitna ng pagbuhos ng ulan.

No comments:

Post a Comment