Tuesday, April 19, 2011

Isang kahong lihim

Isang kahong liham 
na nakatambak sa isang gilid
ng buhay
Mga liham na isinulat
sa mga pasikdo-sikdong panahon
ng katapangang
hanggang papel lang

Kung mahanap ko man ang mga 
padadalhan
Hindi magkakaroon ng sariling paa
ang mga liham
patungo sa kanila
At ako
hindi maglalakas-loob

Aanhin pa ang katotohanang
Naiwan na ng panahon?

-h

No comments:

Post a Comment