Sunday, August 16, 2009

Sa Silangan


Lupang Tigang, Anne Fer


Sa tagal ng itinulog ko
Nagising akong
tulad pa rin ng kahapon
ang pagbubukas ng araw.

May lumilisang pag-asa
at may isinisilang na pangarap
May nagpapatayan pa rin
para sa kalayaang magkaiba
May nagpapapatay
para sa di lubos na maunawaang dahilan
May mga batang sa sariling bahay
natutuhan ang mga karahasan ng buhay.
May mga batang gustong
matupad ang mga pangarap
May mga matatandang naglilibing
ng mga pangarap

Hindi pala nagbabago ang ikot ng mundo
kahit ipikit ko ang mga mata ko
at mahimbing na matulog
Pag gising ko kasi
sa Silangan pa rin sumisikat ang araw.

-h



No comments:

Post a Comment