Wednesday, November 18, 2009

Pinunit na panaginip

Paunti-unti kung bumuo ng pangarap ang tao
Nag-iiba sa bawat hakbang at bawat liko
Hindi makuntento kung hindi ipapangako
Hindi titigil hanggang hindi maabot ang dulo

Hahalughugin ang bawat sulok
Babanatin ang buto't kakalugin ang ulo
Babasag ng bungo, huhukay ng gulo
Hanggang ang panaginip ay magkatotoo

Isang iglap lang, maaaring magbago
Binuong panaginip, pupunitin ng poo't
Ihahagis sa lambak nang pira-piraso
Hanggang mata'y mamulat sa sadyang totoo

No comments:

Post a Comment