Wednesday, February 24, 2010

Kay Papel


Kung paanong galing ka sa buhay na pinatay
Gayun din naman, ika'y bibigyang buhay
ng mga salaysay na meron at walang saysay
Kahit alam kong iyo'y di papantay
sa kayang itagal sana ng puno mong nanay

Patawad kung wala akong maindatay 
na ginhawa sa'yong buhay na pinatay
kundi ang kaunting salaysay buhay-buhay
na malaon di'y mamamatay.

-h

No comments:

Post a Comment