Tuesday, September 13, 2011

Naaalala, maaalala.


naaalala ko sya at ang mga palihim niyang ngiti tuwing nag-uuwi kami ng tagumpay mula sa mga paligsahang pang-akademiko.

naaalala ko siya at ang pag-utos nya sakin bumili ng pan de sal bago sumikat ang araw para turuan akong maging maagap sa pagpasok sa eskwela.

naalala ko siya at ang madalas niyang pagbanggit sa mga sinabi ni Jose Rizal.

naalala ko siya at ang araw-araw niyang pagpapa-eksam sa EKAWP

naalala ko siya at ang malalim niyang tinig habang sinasabayan kaming magbasa mula sa mga pahina ng Voyages in English.

naaalala ko siya at ang tuwina niyang pagpapayo sa akin ng, "Just keep it up."

naaalala ko siya at ang madalas niyang sabihing, "I know, you can do it."

naalala ko siya at ang madalas niyang pagtayo sa may corridor ng second floor kung nasaan ang homeroom class namin

naaalala ko siya at kung paano niya tinanggap nang buong pagpapakumbaba ang mga medalyang siya ang nagturong magsuot sa amin.

naaalala ko siya at ang mga minsang palitan namin ng text messages noong makatapos ako ng kolehiyo't nag-tatrabaho na.

naaalala ko siya at ang malapad niyang ngiti nang imbitahan namin siya ng ilan kong mga kaklase para mananghalian at magkwentuhan sa labas, makalipas ang sampung taon nang kami'y makatapos sa elementarya.

naaalala ko siya.

At kahit wala na siya, maalala ko pa rin.

Salamat, Sir Ed. Salamat.

No comments:

Post a Comment