Saturday, July 2, 2011

Great Perhaps

Sabi ko ayoko na ng mga "what if's". Pinangako ko yan sa sarili ko simula noong nagdesisyon akong bitiwan ang isang posibilidad na matagal na panahon kong hinawakan. Hindi ko sigurado ang kalalabasan ng magiging desisyon ko pero ayoko na ng mga tanong na habambuhay na magmumulto sakin, lalo na sa mga bagay na alam kong mahalaga para sakin.

Ngayon ko lang to gagawin. Susugal ako. Hindi ko kabisado ang patakaran ng laro dahil nga sa madalas kong pagtakas, pero susubukan kong tumaya.

Malay ko,baka sakali.

No comments:

Post a Comment