Naglalakad ako pauwi galing opisina kanina. Tutok na tutok ako sa libro ni Elizabeth Gilbert na binili ko kagabi sa National Bookstore, nang biglang kumirot ang mga daliri ko sa paa. Napulikat ako! Nasa gitna ako ng LS Square. Nag-slow-mo ang mga tao at sasakyan sa paligid ko hanggang sa tuluyan nang huminto-- ako. Hindi ko alam kung sinong santo ang tatawagin ko para mawala ang sakit.
Pinilit kong maupo sa isang upuang semento, sakto dahil malapit lang ako dun. Tinext ko ang isa kong kaibigan na madalas kong kausap. Naisip ko makipag-usap na lang ako para naman hindi ako parang kawawa sa gitna ng LS Square. Tinawagan niya ko pero nagmamadali ring binaba ang telepono. Di niya sinabi kung bakit. Kaya bumalik ako sa binabasa kong libro.
Medyo kumalma na ang mga daliri ko. Nandun ako sa parteng sinasabi ng author na abstain daw muna siya sa mga lalaki. Ayaw muna nya ng relasyon dahil buong buhay niya e di na yata siya nawalan ng boy (o man). Convincing naman ang argumento nya, isyu niya na hindi na niya tuloy nakilala ang sarili niya dahil sa kaka-adjust niya sa personalities ng mga lalaking nakarelasyon niya. Sabi niya, she "disappears into the person she loves".
Nag-twitch ulit yung mga ugat ko sa paa. Kung hindi agad magbabalik-normal ang mga paa ko, paano ako uuwi nito? Ang dami ko pa namang dalang papeles (kung bakit kasi naisipan ko pang magtrabaho ngayong gabi!) at mga folders na pinadala ni Mama.
Seryoso na 'to. Kelangan ko ng boyfriend.
No comments:
Post a Comment