Habang nag-aayos ako ng mga papel sa study area ko, nahalungkat ko ang mga articles na naisulat ko nung huling taon ko sa kolehiyo. Natuwa ako sa mga isinulat ko. Ganun pala ko mag-isip nun. Iyon pala ang mga pinoproblema ko-- pagtatapos ng college nang may honor, pagsasubmit ng thesis sa tamang oras, pagbabasa ng classics, paglalakad, lovelife na walang life. Dati akala ko iyon na ang pinakamatinding mga problema sa mundo. Hindi pala.
Ang lahat ng mga bagay na pinoproblema ko nung nasa kolehiyo pa ko ay sneak preview pa lang pala ng mga darating na problema. Mas marami pa palang mas mahalagang bagay sa mundo kesa sa inaakala ko. Hindi sinabi ng mga college professors ko na ganito pala kalawak ang mundong pagtatapunan nila sa amin...
No comments:
Post a Comment