Pinansin ni Father ang magkatabing bagong-kasal.
Father: Ganyan talaga kapag bagong kasal, di mapaghiwalay. Pero paglipas ng panahon, 'Doon ka, dito ako." (Sabay tawa at tingin sa'kin.) Ikaw ba, may asawa ka na?
Ako: Wala pa po.
Father: Sayang naman ang ganda mo. Ano'ng sabi ng boyfriend mo at di ka pa niya pinakakasalan?
Kuya Gerry: Mali po yung tanong, Father. Dapat, bakit wala kang boyfriend?
Father: Wala kang boyfriend? E di lalong sayang ang ganda mo!
Ngumiti lang ako at tinuloy ko lang ang pagkain.
Maya-maya, kinuwento ni Tito Gary na nung bagong kasal daw sila, wala silang dining table. Lumabas siya ng bahay para maghanap, nang makita niya ang isang bagong-sarang restaurant. Pumasok siya sa loob, at bumili ng isang maliit na dining table.Yun ang naging dining table nila ng asawa niya.
Father: Ang cute! (Sabay tingin sa akin.) Ikaw ba, hindi nangangarap ng ganun?
Ako: Ng dining table po?
Napuno ng tawanan ang hapag.
Makalipas ang ilang sandali, tumayo na si Mama mula sa kabilang table para ayain na akong umuwi.
Father: Kaya naman hindi magka-boyfriend ang anak mo, palagi kang nasa likod.
Mama: May oras para diyan, Father.
Father: Sayang naman ang ganda niya. E di sana ay napamana na niya ang gandang 'yan.
Ang weird dahil kasama ni Mama ang mga amiga niya ng oras na 'yun. At sumasabay rin sa pagsasabing maaga pa para sa pag-aasawa.
Ang cute ng mga matatanda. :)
Chill lang kayo, darating din tayo diyan. Mag-eenjoy muna ko sa dining table, mukhang marami pa akong kwentong gustong marinig habang nagsisimula ako ng sariling dining table tale.
No comments:
Post a Comment