Saturday, January 28, 2012

Kaibigan

Nagbasa ako kanina ng paborito kong columnist. Topic niya ngayon ang tungkol sa halaga ng kaibigan sa buhay natin. Totoo namang mahalaga ang mga kaibigan at masasabi kong maswerte ako dahil marami akong kaibigan. Sabi nila, magkaroon ka lang raw ng limang matatapat na kaibigan, ok ka na. Ang swerte ko dahil lagpas pa doon ang meron ako, sa tingin ko.

Karamihan sa mga kaibigan ko madadaldal. Pero merong ilan na sobrang tahimik. Maingay man o hindi, mahalaga sila sa buhay ko. Sana, makasama ko sila kahit sa pagtanda ko. :)

--
Naaawa ako sa naiwang pamilya ni Iggy Arroyo. Ang gulo kasi ng sitwasyon nila.Hindi nila alam kung kanino mapupunta yung katawan niya. Hirap kasi ng higit pa sa isa ang napangasawa e. Malamang malakas ang laban nung Alicia Arroyo kasi siya ang legal wife. Kahit na mas minahal pa kamo ni Iggy si Grace, iba pa rin yung may pinanghahawakang papel. Ang sakit siguro noon. Alam mong mas minahal ka, pero hindi mo mapaglalaban yun. Kasi sa bandang huli, sa papel lang din naman nauuwi ang lahat. Hindi mo pwedeng sabihing mas minahal namin ang isa't-isa, sa akin siya naging masaya. Kasi hindi naman 'yun ang basehan kung kanino dapat mapunta ang isang taong patay na. May mga batas na umiiral na nilalagpasan ang pagkilos ng pag-ibig. Ganyan sa totoong mundo.

---
Pinag-iisipan ko nang husto ngayon kung magpapalit ba ako ng choice na law school. Naeengganyo na yata akong mag-Ateneo dahil sa ilang mga praktikal na kadahilanan. Pero kelangan kong timbangin nang husto. May oras pa ko para mag-isip. Tutal isang taon pa ko halos sa masters degree ko.

-h

No comments:

Post a Comment