Tuesday, January 17, 2012

Bantay-Bata ang eksena

Ginagamit siguro talaga ng Diyos yung mga problema at sakit para lalo akong mapalapit sa kanya. Hindi naman siguro siya sadista o anuman, pero sa tingin ko mayroong kakaiba sa sakit na nakakapagpalapit sa akin sa Kanya. Parang bata, kapag natatakot, lalong humihigpit ang kapit sa kamay ng kasamang matanda. Hindi naman kagagawan ng matanda na mapunta sa nakakatakot na lugar ang batang inaalagaan niya. Hinahayaan lang niyang magliwaliw ang bata sa malaking parke tapos kapag nakakita ng nakakatakot na anuman yung bata, tatakbo siya palapit sa bantay niya. Ang Diyos ang bantay, mabait na nakatunghay sa akin. Ako ang bata--- nagliliwaliw. Sa mga oras ng takot at dilim, alam lang niyang sa kanya ako babalik. Pwedeng bukas pag-ibis ng takot, aalis ulit ako para maglaro. Pero nandyan lang Siya, hindi umaalis.

No comments:

Post a Comment