Friday, January 13, 2012

Susubukan ko ulit ngayong araw

Susubukan ko ulit na ayusin ang buhay ko. Malaki-laking trabaho ito, alam ko. Marami akong napabayaang mahahalagang bagay. Mabuti na lang nagising ako ngayong umaga, pwede pa kong bumawi.

Kaninang umaga, paggising ko, nakita ko agad yung baby kong pamangkin. Naisip ko, ang bawat araw ay bago para sa kanya. Hindi siya nag-iisip ng mga nangyari kahapon at nagsisisi sa mga nakalipas na pagkakamali. Nabubuhay siya nang bago sa bawat araw. Susubukan ko 'yun ngayon. Itutuloy ko ang mga kailangang simulan at tatapusin ang mga kailangang tapusin, at higit sa lahat, magsisimula ng mga bagong simula.

Susubukan ko ulit ngayong araw.

No comments:

Post a Comment