Friday, January 27, 2012

Habang nagsesepilyo kaninang umaga, naisip ko


Huwag mong hayaang hawakan ng ibang tao ang spirit mo. Oo, fair lang na ibahagi ang sarili mo sa isang taong nakakapagpasaya sa’yo. Ibigay mo sa kanya ang puso mo, pero huwag ang buo mong pagkatao. Para kapag umalis siya, masaktan ka man, umiyak ka man, hindi ka mababawasan. Oo, may kulang kang mararamdaman, pero ang pagkatao mo, ang values mo, in-tact pa rin. 
Huwag kang magmumukhang kawawa. Huwag kang magpapaawa. Dahil mas malaki ang halaga mo kaysa sa pag-ibig na iniwan niya sa’yo. Tandaan mo ‘yan.
At huwag mong kalilimutang mag-floss pagkatapos magsepilyo. 
-h


No comments:

Post a Comment