Kagabi nakausap ko sa telepono yung ideal boss ko. Inaya niya kong magsulat. Siyempre, gusto ko! Excited na akong magsimula ng bagong kabanata. Cliche na kung cliche pero totoo pala talaga ang mga cliche. Every ending marks a new beginning.
May natapos mang bahagi ng buhay ko, meron namang nagsisimula.
Minsan nasabi ng isang teacher sa Ateneo High School na maganda ang lobong de-patpat, pero mas gusto pa rin daw niya ang lobong de-tali. "Maganda nga ang lobong de-patpat pero hindi naman lumilipad."
Sa nakalipas na mga taon, pakiramdam ko lobong de-patpat ako. Maganda naman ang kinalalagyan ko pero hindi ko naman magawa ang gusto ko. Gusto ko yung mga ginagawa ko, pero hindi gustung-gusto. Tamang gusto lang.
Pero sabi nga ni Karen Kingsburry, "Life is too short for half-hearted connections and meaningless run-throughs." Napaikli ng buhay para makontento na lang sa kung anong nandyan.Kelangang sumugal ng tao hindi lang para maging masaya kundi para maging lubos na masaya. Kelangang sumubok ng tao para kuhanin ang pinakamakakapagbigay kahulugan sa buhay niya. Hindi lahat ng pagkakataon ay pagkakataong maging lubos ang kasiyahan kaya naman kapag dumating ang pagkakataong nagdadala nun, dapat lang na sumugal.
Alam kong tama ang desisyong gagawin ko.
No comments:
Post a Comment